‘Rambo’ sa Binondo arestado

January 19, 2022 Jonjon Reyes 162 views

ISANG 20 anyos na binata na armado ng patalim ang nag ala- Rambo, nagsisisigaw at at naghamon ng away madaling araw ng Miyerkules sa Parola Compound, Binondo, Manila.

Isang concerned citizen ang humingi ng tulong sa nagpapatrulyang miyembro ng Manila Police District (MPD), Delpan Police Station 12 kung kaya’t naaresto ang suspek na si Jose Boon,tambay, residente ng Gate 54 Area C , Brgy. 275.

Batay sa ulat nina P/ Cpl. Joey Ponferrada at P/ Cpl. John – Bie Alegre , kapwa naka assign sa PCP 3 sa Station 12 , bandang 2:05 a.m. ay nagising ang mga residente sa Gate 58 sa Brgy. 275 ng armadong binata na nagsisisigaw.

Agad dinisarmahan nina Ponferrada at Alegre si Boon, pinosasan at pinamedical check up sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center bago dinala sa presinto.

Si Boon ay nahaharap sa kasong paglabag sa BP6 o pagdadala ng matulis na bagay , alarm and scandal na may relasyon sa Omnibus Election Code. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE