Majarambo

RAMBO, NAG-REQUEST NA IPAGLUTO SIYA NI MAJA NG PAELLA

August 23, 2023 Vinia Vivar 219 views

Matapos ang kanilang kasal nitong last July 31, back to work na ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Nag-post si Maja ng reels sa kanyang Instagram Story ng ilang kaganapan sa kanilang buhay bilang married couple.

Sa isang video ay sinabi ni Maja na sinundo siya ng mister sa work pero habang nasa sasakyan ay nakatutok sa laptop niya si Rambo.

“May sumundo sa akin sa work! Busy nga lang siya,” Maja wrote.

Sa isang reel naman ay kumakain si Rambo at sey ni Maja, dahil wala siyang work the following day ay magpapaka-wifey siya at ipagluluto niya ang asawa.

“Anong gusto mong ulam for lunch?” malambing niyang tanong sa mister.

“Paella,” sagot naman ni Rambo.

Sa isa pang video, ikinukwento ni Rambo na naipagluto na siya ni Maja ng tinola, adobo, pansit, chili crab, nilaga at marami pang iba.

Anyway, kitang-kita sa mga video na very much happy ang newlyweds sa bagong chapter na ito ng kanilang buhay.

AUTHOR PROFILE