Vilma

Ralph at Ryan todo-suporta sa MMFF entry ni Ate Vi

November 24, 2024 Ian F. Fariñas 107 views

ALAM mong malaki at ipinagmamalaki ni Vilma Santos-Recto ang Metro Manila Film Festival 2024 (MMFF) entry niyang “Uninvited” dahil present sa bonggang launch nito sa Solaire North Grand Ballroom kamakailan ang mister niyang si Finance Secretary Ralph Recto at anak na si Ryan Christian.

Bihira ngang makita ng entertainment press ang dalawang mahal sa buhay ng Star for All Seasons kaya indikasyon ’yon kung gaano kahalaga ang pelikula sa aktres.

“I guess we’re very lucky na we are part of the 50th or golden anniversary of Metro Manila Film Festival. At malaking karangalan ko po ang makasama ang mga artistang kasama ko po dito.

Karangalan ko pong malaki sa akin pong career and to be directed also, first time, by Direk Dan Villegas, directed by, thank you,” bungad na pagbati ni Ate Vi sa “invited” guests.

As we all know, ang “Uninvited” ay reunion of sorts nila ni Aga Muhlach after 30 years. Una silang nagkatrabaho sa “Sinungaling Mong Puso” (1992) at “Nag-iisang Bituin” (1994). Ito naman ang una nilang pelikula ng tinaguriang “horror queen” ng makabagong henerasyon na si Nadine Lustre.

Kwento ni Ate Vi, si Aga ang only choice sa role ni Guilly.

“Hindi na niya naman kailangan magsalita pa, ano, I’m just waiting for this time. I’m just happy, like what I mentioned a while back, I’m just happy I’ve done this film and I’ve done it again with Miss Vilma Santos. It’s just, kumbaga, it comes in threes, ’di ba? So this is our third film, I’m complete. Done na ako sa buhay,” reaksyon naman ni Aga sa birong pagbabanta ni Ate Vi na isosoli ang kandila bilang ninang sa kasal nila ni Charlene Gonzalez kung tatanggihan niya ang “Uninvited.”

Dagdag pa ng aktor, “Proud ako sa dalawang pelikulang ginawa namin. Ito sobra akong proud dito sa pangatlong ito. Nae-excite lang po ako. Salamat, salamat sa pagkuha n’yo sa akin sa pelikulang ito.” Malaking bagay din umano kina Ate Vi at Aga at lalo pa silang na-inspire na gawin ang movie nang umoo si Nadine na gawin ang proyekto.

Bukod kina Aga at Nadine, star-studded ang support cast ng “Uninvited” dahil kabilang dito sina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Gabby Padilla at marami pang iba.

Mula sa Mentorque Productions ni Bryan Diamante at Project 8 ni Direk Dan sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures, magsisimula itong mapanood sa mga sinehan sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE