Parangal

RAFI MICROFINANCE TEAM HUMAKOT NG PARANGAL

November 5, 2024 Jonjon Reyes 362 views

Humakot ng parangal ang RAFI Microfinance Team sa Bangkok,Thailand at Mindanao Summit. Ang mga miyembro ng RAFI Microfinance team (mula kaliwa) na sina Data Head Jennie Villaflores, IT Dev Ops Head Jessryl Plarisan, K-App Project Head Raffy Baladjay, COO Jonar Dorado, at Senior Software Engineer Eve Michael Jayson Selmo ay nagdiwang matapos magwagi ng maraming parangal para sa kanilang KaagAPPay (K-App) mobile application. Noong Setyembre 2, 2024 ay natanggap nila ang Philippine Technology Excellence Award para sa Fintech- Financial Services sa Asian Technology Excellence Awards mula sa Bangkok, Thailand. Nauna rito, nanalo ang K-App ng ADB Fintech for Inclusion Transformation Award noong Hunyo 14 at tinanghal na Innovative Tech Company of the Year sa First DEVCON Mindanao Summit noong Hunyo 30. Inilunsad noong 2022,ang K-APP microentrepreneur ay user-friendly, walang papel na platform para sa paglago ng negosyo at awtonomiya sa pananalapi. Kuha ni JONJON C. REYES

AUTHOR PROFILE