Agila

Rabiya, sumabak sa action scenes

November 29, 2021 People's Tonight 104 views

SUMABAK na sa action scenes ang Miss Universe PH na si Rabiya Mateo.

Para ito sa una niyang Kapuso project na Agimat ng Agila Book 2 ni Senator Bong Revilla Jr.

Ipinasilip ni Rabiya sa kanyang Instagram stories ang preparasyon niya na handa nang makipaglaban.

Sa isang pahayag ng beauty queen, gusto na niyang makikilala hindi bilang isang beauty queen.

“I want people to see my talent in acting,” sabi niya.

Nagpakitang-gilas na si Rabiya sa acting sa short stint niya sa Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa segment na Ngisngis at kamakailan, sa Wish Ko Lang episode kasama si Cherie Gil. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE