rabiya

Rabiya sa relasyon kay Neil: I’m not closing any doors

June 1, 2021 Vinia Vivar 480 views

Kinumpirma ni 2020 Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo na “complicated” ang status ng lovelife niya ngayon.

Sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang online show na The Boy Abunda Talk Channel, hindi man niya diniretso ay obvious na may problema sila ng boyfriend na si Neil Salvacion.

“Tito Boy, it’s a complicated situation,” simula niya, “and we need to talk about things when I go back to the Philippines.

“But we’re friends, we’re friends. I still try to contact him but we need to have this space together. As of the moment but I’m not closing any doors.”

Ayon pa kay Rabiya ay hindi ito ang unang pagkakataon na dumaan sila sa ganitong sitwasyong ng BF.

“We’ve been in this kind of situation before. We’ve been together for seven years and who knows po, who knows?” aniya.

Nilinaw din ni Rabiya na walang kinalaman ang Pinoy Big Brother alumnus na si Andre Brouillette sa sitwasyon nila ngayon ni Neil.

Matatandaang nagsimulang ma-link sina Rabiya at Andrei matapos i-post ng binata ang larawan nila na magkasama sa USA after the Miss Universe pageant.

Iisa ang manager nila ni Andrei, si Jonas Gaffud, and that explains kung bakit sila close.

Nilinaw din ni Rabiya sa kanyang Instagram account na walang malisya ang kanilang pagkikita ng binata sa US.

Pagtakbong bise presidente ni Tito Sen, usap-usapan sa showbiz

TitosenUsap-usapan ngayon sa showbiz ang deklarasyon ni Senate President Tito Sotto na open siya sa pagtakbong bise presidente ng bansa sa 2022 national elections.

“I have to admit I’m thinking about it unlike other politicians who say they’re not running but on the day of registration nangunguna (they lead),” pahayag ni Tito Sen sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa ANC Headstart.

Isa pang rebelasyon ni Tito Sen ay ang posibilidad na pagti-team-up nila ni Sen. Ping Lacson.

“First of all, I’m still considering it. If I do consider it, the number 1 on my list would be Senator Lacson, I know his capabilities. I know what he can do for the country. If he runs for President I will support him,” he said.

Nabanggit din ni Tito Sen na nakatakda raw sana silang mag-meet nina Sen. Lacson at Sen. Manny Pacquaio sa Sunday evening para pag-usapan ang 2022 elections pero hindi na siya nag-elaborate pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sen. Ping sa mga tinuran ni Tito Sen pero hindi malayong magkaroon talaga ng Ping-Tito tandem sa 2022 elections lalo pa nga’t pareho silang lumabas sa top 10 sa latest survey ng Pulse Asia.

AUTHOR PROFILE