Rabiya

Rabiya, nilaglag ni MJ sa IG

June 6, 2021 Vinia Vivar 106 views

Dagsa ang reaksyon ng netizens sa comment ni MJ Lastimosa sa post ng kaibigan niyang si Rabiya Mateo.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Rabiya ng larawan niya na nakangiti habang nasa Napa Valley.

Caption niya, “As you travel, you get to experience what life truly means.”

Ito ay matapos kumpirmahin ng boyfriend na si Neil Salvacion sa IG Story nito na break na sila.

Sa comment section ay nangunguna ang komento ni MJ na “Luh luh luh tawa now iyak later” with grimacing face emojis.

Tawa nang tawa ang mga netizen sa komento ni MJ pero karamihan ay naloka rin dahil feeling nila ay nilaglag nito ang kaibigan.

“To yung klaseng kaibigan nanlalaglag sa socmed HAHAHAHAHAHA nako po,” komento ng isang netizen.

“Yung basher mo rin kung bestfriend mo HAHAHAHAHA,” anang isa pa.

“Mareng mj panira ka talaga HAHHAHAHHAA,” sey pa ng isang follower.

Reaksyon pa ng isa, “Bully ka talaga, madam.”

Kuda naman ng isa, “Bakit naman po iiyak later? Aawayin mo na naman? Pasaway ka talagang ate ka laging inaaway si bunsoy!”

Pero may mga nag-comment din naman na concerned “ate” lang naman si MJ kay Rabiya at walang masamang kahulugan ang sinabi nito.

AUTHOR PROFILE