Rabiya Mateo proud sa bagong bahay, kotse
PROUD sa na-achieve na bagong bahay at kotse ang Miss Universe Philippines 2020 at model-actress na si Rabiya Mateo.
Namayagpag ang kasikatan ng aktres matapos siyang sumali sa Ms. Universe pageant noong 2020. Hindi man nanalo, nagbigay daan ito para makasampa ang beauty queen sa mundo ng showbiz.
Sa isang Instagram post, ibinida ng aktres ang katas ng kanyang mga pinaghirapan sa ilang taon.
“Power of manifestation. With my first car and first house,” pahayag ni Rabiya sa caption ng kanyang post.
Kuwento pa ng beauty queen na imposible raw ang lahat ng iyon three years ago, pero ayon sa kanya na nakamit niya ang mga ito dahil sa kanyang mga panalangin at pagsusumikap.
“Three years ago this seems to be impossible but this is the result of countless prayers and hard work,” wika ni Miss Universe Philippines 2020.
“Reminding everyone, not to be scared to dream big!,” dagdag pa niya.
Binati naman si Rabiya sa comment section ng netizens pati ilang personalities.
“Congratulations,” pagbati ni Miss Universe India 2020 Adline Castelino.
“Love that for you,” komento naman ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.
“Blessed!” saad ng Filipino volleyball player at beauty pageant titleholder na si Michele Gumabao.
Binati rin si Rabiya ng kanyang nobyong aktor na si Jeric Gonzales.
“Proud of you always baby! Excited for more,” pahayag ng aktor.