Rabiya

Rabiya, bet magtayo ng punerarya

July 27, 2021 Vinia Vivar 62 views

Ibinahagi ni Miss Universe-Philippines 2020 na si Rabiya Mateo na dream business niya ang punerarya. Sinabi niya ito sa kanyang latest YouTube vlog titled 24 Facts About Me.

“Isa sa gusto kong business na itayo in the future is punerarya. Hindi naman natin ‘yun (death) hinihingi, di ba? That’s the cycle of life,” sabi ng beauty queen.

Dagdag paliwanag pa niya, gusto niyang mag-make-up sa patay.

“Hindi ko kasi gusto ‘yung make-up ng patay sa probinsiya. Parang feeling ko, nilalagyan lang sila ng parang puting foundation lang, tapos kinikilayan lang sila.

“Gusto kong magkaroon ng punerarya and gusto ko, maganda ‘yung make-up ng kliyente ko,” sey niya.

Ni-reveal din niya ang kanyang first kiss when she was 18 years old sa kanyang first boyfriend.

“I think, nagkaroon ako, during that time ng first boyfriend ko pero mas nauna ‘yung first kiss kesa first boyfriend. Kasi medyo maharot din ako that time. Madilim na nu’n, tapos, we had our first kiss sa labas ng dorm,” kwento ni Rabiya.

Marami pa siyang ibinahaging impormasyon about herself sa nasabing vlog at katwiran niya, ginawa niya ang video na ito para naman mas makilala pa siya ng mga tao.

“So, sana, you guys got to know me better kasi, gusto ko lang gawin ‘yung mga videos na ito to remind you na kahit beauty queen kami, tao pa rin kami. We have the same struggles, guys.

“Bilang isang babae, bilang isang tao, may kinakatakutan din kami, may mga aspiration din kami sa buhay,” she said.

NASIMOT!

Hit na hit ngayon sa YouTube ang maramdaming interview ni Toni Ganzaga kay Herlene Budol o Hipon Girl sa kanyang vlog na Toni Talks and as we write nga ay umabot na sa mahigit four million ang views nito since its release last July 25.

Mapapanood sa nasabing vlog ang emosyonal na pag-amin ni Hipon na walang-wala siyang pinagkukunan ng pera ngayon at back to zero siya.

Ubos na rin daw ang P100,000 na naipon niya noong co-host pa siya ni Willie Revillame sa Wowowin.

“Wala ngang vitamins ngayon ang lolo ko, eh, saka ang lola ko, eh. Ang mahal kasi. Nagba-vlog-vlog ako, hindi pa naman ako sumasahod hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano ako sasahod,” umiiyak na sabi ni Hipon.

Sa kanya raw umaasa ang pamilya niya kaya naman gumagawa raw siya ng paraan para magkapera.

“Hindi ako mapapagod. Araw-araw akong gagawa ng paraan para sa kanila,” aniya.

Kaya naman para makatulong sa dalaga ay nagdesisyon si Toni na ibigay ang buong kita ng nasabing vlog kay Hipon.

“Proceeds of this vlog will all go to Herlene,” ang nakalagay sa ending ng video.

Kaya naman dumagsa ang papuri ng mga netizen kay Toni.

“Proceeds of this vlog will all go to Harlene” when this statement appeared in the last part of the vlog, thank you so much Ms. Toni for doing this vlog with a purpose. God will bless you abundantly,” komento ng isang netizen.

“Don’t skip the ads netizens, Harlene will get the proceeds. It has now more than 2M in one day. Thanks Toni!” saad naman ng isang viewer.

“’Proceeds of this vlog will all go to Herlene’ Okay! Not skipping and rewatching hehe Kaya mo yan, girl! God is greater than all the problems we face each day. God bless, Herlene!” pahayag ng isa pa.

“We love you Toni. .Good Samaritan,” comment ng isa pang netizen.

AUTHOR PROFILE