Rabiya

Rabiya, bet maging kontrabida

November 18, 2021 Ian F. Fariñas 269 views

CERTIFIED Kapuso na ang 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network.

Sa virtual at welcome mediacon kahapon, sinabi niya na sobrang saya at sobrang sarap sa feeling na sa wakas ay natupad na rin ang isa pa niyang pangarap.

“Kasi po it feels home,” ang naging sagot ni Rabiya sa tanong kung bakit pinili niyang pumirma sa GMA-7.

Kwento niya, nagkakilala sila ni Annette Gozon bago pa man siya lumaban sa Miss U at noon pa lang ay inalok na siya nitong mag-artista na agad naman niyang tinanggap.

Bukod sa guestings sa iba’t ibang Kapuso shows, mapapanood din si Rabiya soon sa Book 2 ng Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla.

Aniya, “To be honest, I’m so on Cloud 9 for so many days. It’s a big role, leading actress, a big role for me. Maybe they saw something in me. Honored po talaga ako and I made a promise to myself na gagalingan ko.”

Bilang paghahanda, sasailalim daw siya sa acting workshops at mag-i-enrol sa boxing para ready siyang sumabak sa fight scenes.

Bukod kay Sen. Bong at sa childhood crush niyang si Dingdong Dantes, bet ding makatrabaho ni Rabiya ang malalaking Kapuso stars gaya nina Marian Rivera, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, atbp.

“Sana, sana mabigyan ako ng pagkakataon sa future na magkaroon ng project (with them). I’m sure I’m gonna learn a lot from them,” pahayag niya.

Drama ang type niyang project at kung maaari, “this time, ako naman ang kontrabida,” wish ni Rabiya.

AUTHOR PROFILE