Rabiya

Rabiya at Jeric, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

June 21, 2022 Vinia Vivar 369 views

Lalong tumindi ang ispekulasyon na break na nga sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo matapos mapansin ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa ang dalawa sa kani-kanilang Instagram account.

Bukod dito, binura na rin ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric na magkasama, kabilang na ang post kung saan ay opisyal niyang inanunsyo ang kanilang relasyon last March.

Samantala, si Jeric ay kapansin-pansin namang hindi pa binubura ang mga photo nila ni Rabiya.

Matatandaang umugong ang ispekulasyong nagkakalabuan o split na sila matapos ang “hugot” post ni Rabiya na hinihinala ng netizens na may kinalaman sa relasyon nila ni Jeric.

Pero nilinaw ng beauty queen-turned-actress last May sa online mediacon ng Signed for Stardom ng Sparkle GMA Artist Center na walang kinalaman kay Jeric ang post niya.

Dito ay sinabi rin niyang ipinaglalaban nila ng aktor ang kanilang pagmamahalan at mahal na mahal nila ang isa’t isa.

“Ang dami kong sinacrifice rin for this man. Ilang beses na rin akong napagalitan ng management ko dahil matigas daw ’yung ulo ko pero ’pag nagmahal po talaga ako, totoo. And I can sacrifice few things kung ’yun ’yung makakabuti sa akin at kay Jeric. Mahalaga sa akin ang trabaho, pero mahalaga rin po sa akin si Jeric,” ang emosyonal na pahayag ni Rabiya sa naturang mediacon.

Sabi naman ni Jeric, na dumalo rin sa mediacon, “We’re very much in love with each other, so right now, talagang masaya kami sa kung ano ang nangyayari sa amin.”

Pero last week ay biglang lumutang online ang mga larawan ni Jeric na may kahalikan umanong kapwa-lalaki. Some say na baka dahil dito kaya natuluyan nang maghiwalay ang dalawa.

’Yan ay kung totoo ngang split na sila.

Sa ngayon, wala pang reaksyon sina Rabiya at Jeric tungkol sa panibagong breakup rumor na ito kaya abangan na lang natin ang kanilang mga magiging pahayag sa isyu.

NASE-SEPANX SA FINALE

Ngayon pa lang ay marami nang nase-sepanx sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na First Lady.

Bukod sa napakatamis na pagsasama nina Melody (Sanya Lopez) at PGA (Gabby Concepcion), inaabangan din ng viewers ang mga rebelasyon at pagsubok na kanilang haharapin sa huling dalawang linggo ng serye.

Pero time out muna sa mga plot twist at rebelasyon dahil ang maids in the palace ay magpapa-impress. Sino kaya ang tatanghaling Binibining Kasambahay ng Palasyo 2022?

Bukod kay Jestoni Alarcon, inaabangan na rin ng Kapuso viewers kung sinu-sino pa ang Kapuso stars na magkakaroon ng special participation sa much- awaited finale ng top-rating series.

Tutok lang sa last 10 days ng First Lady gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE