Quizon

‘Quizon CT’ nina Eric, Vandolph at Epi, aarangkada sa Net25

January 7, 2022 Ian F. Fariñas 386 views

Ang Quizon CT o Quizon Comedy Theater, pinakabagong gag show ng Net25 na punumpuno ng mga nakakatawa at nakakaaliw na joke at punchline, ay aarangkada na tuwing Linggo, 8 p.m., simula sa January 9.

Literal na pinagsama ang “laugh” at “trip” sa comedy show na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy.

Pinagbibidahan ito ng mga anak ni yumaong Comedy King Dolphy na sina Eric, Epi at Vandolph Quizon.

Kabilang din sa main cast ng programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon.

Tampok din sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson.

Ang naturang palabas ay sa ilalim ng direksyon nina Eric at Epi.

AUTHOR PROFILE