Quinta Committee susuriin pagsirit ng presyo ng pagkain
SINIMULAN na ng binuong Quinta Committee ng Kamara de Representantes nitong Martes ang isang malawakang imbestigasyon hinggil sa pagtaas ng presyo ng pagkain, smuggling, manipulasyon ng presyo, at kagutuman—mga pangunahing nagpapahirap sa milyun-milyong Pilipino na makakuha ng abot-kaya at sapat na suplay ng pagkain.
Ang Murang Pagkain Supercommittee—na itinatag sa ilalim ng House Resolution (HR) No. 254 na inihain ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez—ay nagsagawa ng unang pagdinig kung saan limang pangunahing komite ang pinagsama, na ang tungkulin ay tukuyin ang mga kakulangan sa mga programa ng gobyerno at panagutin ang mga responsable sa pang-aabuso sa merkado.
Ang supercommittee ay binubuo ng mga Komite sa Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services, at ng Special Committee on Food Security.
Sa pagbubukas ng pagdinig, binigyan diin ni Albay 2nd district Rep. Joey Sarte Salceda, chair of the Ways and Means Committee at lead chair ng supercommittee, ang mahalagang papel ng pinagsamang komite sa imbestigasyon.
“The House of Representatives, under the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, has mandated [this inquiry] to address smuggling and price manipulation of basic goods and essential commodities with the end of achieving zero hunger and promoting food security, along with social protection,” ayon kay Salceda.
Tinutukoy niya ang malawak na mga tungkulin ng komite, sinabing, “Laws are in place to guarantee that every Filipino family has food on their tables, yet this is still a dream for many. We want to uncover the gaps that we need to plug to achieve this goal, and if needed, the personalities that should be made accountable for making this goal difficult to achieve.”
Binanggit naman ni Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron, chair ng Committee on Trade and Industry, ang matagumpay na itinatag na Clark National Food Hub at mahusay na sistema ng pampublikong pamilihan sa Iloilo.
“These projects bear witness to what we can do if we are able to correctly identify the problem; and what we hope to replicate throughout the country,” ayon ay Biron.
Ipinunto ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, pinuno ng Committee on Agriculture and Food, ang kahalagahan ng mga bagong lehislatibong hakbang upang labanan ang mga pang-aabuso sa sektor ng agrikultura.
“Just last September 26 of this year, the President signed Republic Act No. 12022 or the Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, which seeks to eliminate rampant agricultural smuggling, hoarding, profiteering, cartelizing, and other acts of market abuse,” saad ni Enverga.
Ipinunto rin niya ang pangangailangan na amyendahan ang Rice Tariffication Law upang palakasin ang kakayahan ng Department of Agriculture na ayusin ang presyo ng bigas at kontrolin ang suplay nito.
“Addressing these unfair business practices would lead us to a food- and nutrition-secure nation and, eventually, help mitigate hunger, which is the ultimate goal of the Honorable Speaker Martin Romualdez,” paliwanag ni Enverga.
Ayon naman sa iba pang mga lider ng supercommittee ang mas malawak na epekto ng kakulangan sa seguridad sa pagkain.
Sinabi ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna “Ria” Vergara, ng Social Services Committee, ang nakapipinsalang epekto ng mga natural na kalamidad sa sektor ng agrikultura
“In our country, we have been hit not once, but more than four times by massive typhoons. So many of our fellow Filipinos have lost lives. The devastation to our agricultural and fishery sectors is in the billions. These disruptions are out of our control. With how we respond, this we can control,” ayon kay Vergara.
Ipinahayag naman ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma, lider ng Special Committee on Food Security, na ang seguridad sa pagkain ay isang pangunahing karapatang pantao.
“Today, we lay the foundation for the work that lies ahead. We will define the scope of our collaboration, set our priorities, and map out a path for collective action,” saad pa nito.
“But let us always keep sight of the core principle that brings us here: every person has the right to be free from hunger and to have access to the nourishment necessary for a healthy and fulfilling life,” dagdag pa ni Cuaresm.
Ipinakita rin ng supercommittee ang mga datos na naglalarawan ng mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng abot-kayang pagkain.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagkain ang pinakamalaking bahagi ng gastusin ng bawat pamilya, at ang bigas ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng mga gastusin.
“Food inflation has only decelerated recently,” ayon sa ipinrisintang datos ni Salceda. “A low current rate of inflation does not mean prices are low; what people feel is cumulative inflation… Food prices are still at elevated levels.”
Binigyang-diin ni Salceda ang matinding epekto ng mataas na presyo ng pagkain sa mga pinaka-mahihirap na sektor ng populasyon.
“Farmers are hungrier than non-farmers,” sabi ni Salceda, na binanggit ang mga resulta mula sa World Food Programme na nagsasabing halos kalahati ng mga agricultural-households ang nakaranas ng pagkalugi at kawalan ng kakayahan ng mabibiling pagkain.
Bibigyang-tuon sa imbestigasyon ang paglikha ng mga polisiya upang mapanatili ang presyo ng pagkain, masawata ang smuggling, at maitaas ang kabuhayan lalo na sa agricultural sector.
Umaasa ang mga stakeholders at mga mambabatas na ang inisyatibong ito ay magsisilbing isang mahalagang hakbang sa laban ng bansa sa pagkakaroon ng sapat na mapagkukunan ng pagkain.