Quimbo :Confidential Fund ng OVP ginastors sa loob ng 11 araw
BINIGYANG linaw ng Vice-Chairperson ng House Committee on Appropriations na si Marikina City 2nd Dist. Cong. Stella Luz A. Quimbo na ang kinukuwestiyong P125 million Confidential Fund allocation para sa Office of the Vice President (OVP) ay ginastos sa loob ng labing isang araw (11) at hindi labing siyam na araw (19) alinsunod sa report ng Commission on Audit (COA).
Nilinaw ni Quimbo ang nasabing kontrobersiya patungkol sa Confidential Intelligence Fund (CIF) ng OVP kaugnay sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Kamara de Representantes para sa 2024 proposed National Budget.
Ayon kay Quimbo, alinsunod sa impormasyong kaniyang nakalap mula sa report ng COA. Ang P125 million CIF allocation ng OVP ay nagastos sa loob ng labing isang araw (11) bilang paglilinaw sa napapa-ulat na labing siyam na araw (19).
“Madam Speaker, ang totoo po ay nagulat din po ako noong mabasa ko ang mga balita na tila nagastos po sa loob ng 19 days at tinanong ko po ang COA at tiningnan ko po ang mga iba’t-ibang mga reports. Pero hindi po ito nagastos sa loob ng 19 days kung hind isa loob po ng 11 days po Madam Speaker,” sabi ni Quimbo.
Sinabi pa ng kongresista na batay sa report ng COA nakapagsumite ang OVP ng kanilang “liquidation report” o listahan kung saan nila ginastos ang kanilang P125 million CIF noong January 2023 kasunod ng pagpapalabas ng COA ng kanilang Audit Observation Memorandum (AOM) noong September 18, 2023.
Tiniyak din ng Marikina City Lady solon sa kaniyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na maisusumite sa darating na November 15, 2023 ang full report patungkol sa CIF ng OVP.
“So Madam Speaker, ongoing pa rin ang audit at ang AOM ay preliminary findings and again may confidential fund nature po ang AOM bagama’t ang masasabi po natin ay ang AOM na iyan ay nagco-convey po ng request for additional documents,” dagdag pa ni Quimbo sa 2024 Budget hearing sa Kamara.