QUIBOLOY ‘TIMBOG’
Kung dedma pa rin sa Senado
NAGBABALA si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na posibleng ipaaresto ang televangelist na si Apollo Quiboloy kung patuloy na hindi sisipot sa pagdinig ng Komite kaugnay sa pagbawi sa prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Inilatag ni Pimentel, vice chair House Committee on Legislative Franchises, ang mga susunod na hakbang ng komite salig sa House rules kung hindi pa rin dadlao si Quiboloy sa susunod na pagdinig.
“Under our House rules, we can cite him for contempt for non-appearance or non-cooperation. If he continues to evade the hearings, we will request Speaker Martin (Romualdez) to issue a warrant of arrest,” explained Pimentel.
Ipinaalala ni Pimentel kung gaano kaseryoso ang maaaring kahitnan ng aksyon gaya na lang nang nangyari noong congressional inquiry ng Kamara sa umano’y pagkakasangkot ni dating Senadora Leila De Lima sa iligal na droga.
Matatandaan aniya na nagpalabas ng arrest warrant si dating Speaker Pantaleon Alvarez laban sa umano’y bagman at driver ni De Lima na si Ronnire Dayan dahil sa pagkabigong tumalima sa pagpapatawag ng komite.
“A similar course of action could be pursued if Quiboloy persists in his absence from the hearings, despite the issuance of a subpoena and potential contempt proceedings,” babala ni Pimentel
Ang pahayag ni Pimentel ay dahil na rin sa pagkadismaya ng Komite sa patuloy na pagkabigo ni Quiboloy na dumalo sa pagtalakay ng panukalang bawiin ang prangkisa ng Swara Sug Media Corp., na tumatakbo sa pangalang SMNI.
Ang pauli-ulit na pagliban ni Quiboloy sapagdinig ang nag-udyok sa Komite na magpalabas ng subpoena para atasan siyang dumalo.
Binigyang diin ni Pimentel ang kahalagahan ng pagdalo ni Quiboloy dahil sa kaniyang papel sa nagpapatuloy na pagsisiyasat.
“We deemed it necessary to compel Pastor Quiboloy’s attendance at the next hearing. He is the main actor in this inquiry, and there are numerous questions that demand his clarification, particularly regarding the ownership of Swara Sug,” Pimentel said.
Sa nakaraang mga pagdinig, sinabi ng legal counsel ng SMNI na si Mark Tolentino na mayroon lamang titulong ‘honorary chairman’ si Quiboloy ngunit hindi direktang nakikialam sa pamamahala ng istasyon.
Ngunit giit ng mga mambabatas na si Quiboloy ang tunay na“beneficial owner” ng Swara Sug at SMNI, kung saan madalas ipalabas ang kaniyang mga sermon
Nanganganib mawala ang prangkisa ng SMNI dahil sa mga paglabag gaya ng pagpapakalat ng fake news, pagkakasangkot sa red-tagging at pagkabigong sumunod sa mga kondisyong nakasaad sa kanilang prangkisa.