Quiboloy nasukol, hindi sumurender– PBBM
NASUKOL at hindi sumurender si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos masakote ng mga awtoridad si Quiboloy.
“The question that is being asked kagabi pa hanggang ngayon, “Nag-surrender ba o nahuli?” I think that is a legal question. Pero ganito ang iniisip ko, hindi siya magsu — hindi siya lilitaw kung hindi namin hinabol nang husto,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Ang pagkaintindi ko ang pag-surrender, ‘pag sinabing surrender, I don’t know maybe the legalist can explain this, ngunit ang pagkaintindi ko, ang surrender kapag wanted ka, ang surrender pupunta ka sa police station o sa ewan ko, sa prosecutor, I don’t know kung saan. To an official authority, sasabihin “nagsu-surrender na ako, alam ko may court order, may arrest order na ako, kaya’t magsu-surrender na ako.” Hindi ganyan ‘yung nangyari. Ang nangyari napilitan siyang lumabas dahil malapit na ang pulis sa kanya,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kasabay nito, pinuri ni Pangulong Marcos ang PNP sa matagumpay na operasyon kay Quiboloy.
Ayon kay Pangulong Marcos, walang nasugatan o namatay sa pagkakasukol kay Quiboloy.
“We have to — I have to commend our PNP. This is police work at its best. This is what the PNP can do ‘pag led well at maganda ang ating pagkakaunawa at pag-coordinate sa iba’t ibang ahensiya. But this is what policemen do. They go after and enforce court orders and go after those who have been — those who have had cases filed against them,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“At nakita natin desidido ang ating mga pulis at ang instruction ko sa kanila itong last time, sinabi ko “pagpasok natin, huwag na kayong aalis diyan hangga’t makuha na ninyo siya.” And that’s exactly what they did. Nakita niyo naman,” dagdag ni Pangulong Marcos.