
Quake drill ginanap sa Sta. Rosa
NANGUNA ang National Risk Reduction Management Office sa ilalim ni Under Secretary Ariel Nepumoceno at Office of the Civil Defense sa Simultaneous Earthquake Drill Orientation para sa mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Santa Rosa.
Layunin ng drill na maging handa sa hindi inaasahang “big one” ang lugar sa ilalim ni Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas.
Ang quarterly simultaneous earthquake drill isang mahalagang hakbang upang palakasin ang kahandaan ng publiko sa oras ng lindol, gayundin upang suriin ang kahandaan ng iba’t-ibang ahensya at institusyon sa pagtugon sa sakuna.