Quad Comm puring-puri sa Quad Comm sa paghahanap ng katotohanan sa kaso ng EJK
NAGPAHAYAG ng pagkabilib ang isang kaalyado ni dating Vice President Leni Robredo sa paghahanap ng katotohanan ng House Quad Committee sa mga kaso ng extrajudicial killing sa Duterte drug war at ang kaugnayan nito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at kalakalan ng iligal na droga.
Sa kanyang manipestasyon sa pagdinig noong Huwebes, pinuri ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. ang Quad Comm sa mga nagdaang buwan upang lumabas ang katotohanan.
“These Chairmen and their teams have shown unwavering commitment to truth-seeking,” ani Bordado.
“Through their painstaking efforts, the Quad Comm has not only brought critical issues to light but also raised the bar for how we should approach investigations in this chamber—with integrity, impartiality, and a clear sense of purpose,” dagdag pa nito.
Ang Quad Comm ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers, Public Order and Safety na pinamumunuan ni Dan S. Fernandez, Human Rights ni Bienvenido Abante at Public Accounts na pinamumunuan ni Joseph Stephen Paduano.
Pinuri rin ni Bordado sina Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Deputy Speaker Jayjay Suarez, at Rep. Romeo Acop na kasama sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
“Extrajudicial killings strike at the heart of our moral obligations as public servants,” sabi ni Bordado. “This is a matter not just of law but of humanity, and we must work tirelessly to ensure justice for those who have been victimized.”
Iginiit din ni Bordado ang pangangailangan na mapanagot ang mga nasa likod ng mga pagpatay.
Nanawagan din ang kinatawan ng Camarines Sur na magkaisa at ipagpatuloy ang paghahanap sa katarungan para sa mga naapektuhang pamilya at komunidad.
“We must not allow these investigations to falter, nor the voices of those who seek justice to go unheard,” sabi ng solon. “As public servants, it is our duty to ensure that the truth is uncovered, that justice is served, and that we work together to prevent such abuses from ever occurring again.”