Ana Dinayo ng OFBank ang Bankerohan Public Market upang manghiyakat ng mga OFW beneficiaries na small business owners para magkaroon ng sarili nilang digital bank account gamit ang OFBank mobile banking app.

QR Code sa mga palengke at tricycle, suportado ng Overseas Filipino Bank

December 15, 2022 People's Tonight 117 views

NAGLUNSAD ng mobile bank account opening ang Overseas Filipino Bank (OFBank) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at ang kanilang mga benepisaryo na stall owner at vendor sa Davao Bankerohan Public Market kasabay ng Paleng-QR Ph launch nitong ika-30 ng Nobyembre 2022. Sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at pakikipagtulungan ng Department of Interior and Local Government (DILG), City Government of Davao at Mayor Sebastian Duterte – pati na din ng financial service provider gaya ng OFBank – layon ng Paleng-QR Ph na mapalaganap ang cashless transactions sa mga palengke at public transportation kagaya ng tricycle. Ang Davao City ang ikalawang local government unit (LGU) sumunod sa Baguio City na naglunsad ng Paleng-QR Ph.

“Hangad naming maging mabilis, hassle-free at mas ligtas ang pamimili ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng cashless transactions. Upang mas mapalawak ang paggamit at pagtanggap ng QR code, gusto naming tumulong sa digital onboarding ng mga OFW, mga kamag-anak at benepisyaryo nila na may negosyo at trabaho sa mga pampublikong pamilihan.” ani Leila Martin, President at CEO ng Overseas Filipino Bank. Dagdag pa niya, maaaring gamitin ang OFBank mobile banking app sa mga transaksyon ng Paleng-QR Ph.

Ang OFBank ang pinakaunang nabigyan ng digital banking license ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Bukod sa cashless transactions sa pagbabayad sa at pamimili mula sa iba-ibang mga merchant, maaaring magpadala ng pera, tumanggap ng padala at mag-invest gamit ang OFBank mobile banking app anumang oras at saan man. Maaaring i-download ang OFBank mobile app sa Google Play Store sa https://bit.ly/2ZnCKAF at Apple App Store sa https://apple.co/31yFVIK.

Gamit ang Paleng-QR, kinakailangan lamang i-scan ng mga mamimili ang QR code ng mga tindahan at public transportation driver para makapagbayad sa pinamili at sa pagsakay. Mahalagang hakbang ang pagpapalaganap ng QR code sa grassroots level dahil ang pamamalengke at pagsakay sa tricycle ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Importante ang magiging kontribusyon ng mga local government unit (LGU) sa Paleng-QR Ph. Sila ang magsusulong ng polisiya, gagabay sa pamamagitan ng mga financial literacy program at maaaring magpasimula ng pamimigay ng incentive sa mga negosyante, tindero, at driver upang mas matanggap ang paggamit ng QR code sa grassroots.

AUTHOR PROFILE