QCPD nagtalaga ng 172 PADs para estudyante maprotektahan
NAGTALAGA ang Quezon City Police District (QCPD) ng 172 Police Assistance Desks (PADs) sa 194 schools sa buong lungsod upang masiguro na ligtas ang mga estudyante.
Ayon sa ulat ng QCPD, mula Nobyembre 5 hanggang 11, may 500 tauhan ng QCPD ang na-deploy at nag-set up ng 172 PADs sa mga estratehikong lokasyon, kabilang ang mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng agarang suporta.
Bilang karagdagan sa mga PADs na ito, nagsagawa ang QCPD ng 204 na aktibidad sa seguridad, kabilang ang mga foot patrol upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at protektahan ang mga ari-arian ng paaralan.
Ang programang ito naglalayong maging ligtas ang kapaligiran ng mga mag-aaral, mamonitor ang anumang aktibidad ng mga kriminal na malapit sa mga paaralan at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga awtoridad, paaralan, at komunidad.
“We are dedicated to providing a safe and supportive environment for the academe for we believe that the youth is the hope of our future,” pahayag ni P/Col. Amante Daro, Officer-in-Charge ng QCPD.