QC rape suspect timbog

June 23, 2021 Melnie Ragasa-limena 211 views

NAARESTO ng pinagsanib na elemento ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District Intelligence Division (QCPD), Intelligence Group-National Capital Region, at SOCSARGEN Police Regional Office (PRO12) ang 42nd Most Wanted Person sa kasong rape.

Kinilala ni PLt. Col. Alexy Sonido, hepe ng PS 6, ang suspek na si Jayson Lloyd Deala Gumawa, 24, residente ng No. 10 Sampaguita St., Batasan Hills, Quezon City.

Ang suspek ay naaresto bandang ala-1:30 ng gabi (June 21), sa 4R’s Motorshop, IBP Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Si Gumawa ay may pending warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Judge Jose Jerry Langrio-Fulgar, ng RTC Branch 47 sa Alabel, Sarangani.

Wala namang itinakdang piyansa laban sa suspek para sa pansamantalang kalayaan nito.