Default Thumbnail

PWD nalunod sa dagat

September 14, 2023 Jojo C. Magsombol 281 views

ISANG lalaki na may kapansanan ang nalunod sa Bgy. Lagadlarin, Lobo, Batangas noong Linggo.

Nakilala ang nalunod na isang 30-anyos na binata na may orthopedic disability at residente ng Commonwealth, Quezon City, ayon sa Lobo police.

Isang residente ang nagreport sa pulisya dakong 12:30 ng tanghali noong Setyembre 10, 2023 tungkol sa lalaki na nakitang palutang-lutang sa dagat malapit sa dalampasigan.

Ayon sa pamilya ng biktima, hindi nila napansin na lumabas ang biktima at lumangoy mag-isa sa dagat.

Mabilis na isinugod ang lalake sa Lobo Municipal Hospital pero binawian din ng buhay, ayon sa attending physician na si Dr. Marrietta Occiano, bandang alas-11:35 ng tanghali.

AUTHOR PROFILE