LTFRB

PUV operators humiling ng ‘surge’ fee

October 18, 2022 Jun I. Legaspi 288 views

HIHIMAYING mabuti ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na “surge” charge o additional fee sa pamasahe tuwing “rush hours” ng mga grupo ng public utility vehicle (PUV) operators.

Ayon sa LTFRB, natanggap na nila noong Biyernes, Oktubre 14, 2022 ang petisyon ng mga transport groups sa pangungyuna ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na lagyan ng “surge” ang pamasahe sa traditional at modern public utility jeepney (PUJ), at public utility bus (PUB).

Base sa petisyon, hiling ng transport groups na lagyan ng dagdag-pasahe sa kada kilometrong biyahe tuwing rush hour o peak hours. Ang sinumiteng petisyon ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Nauunawaan ng pamunuan ng LTFRB ang hinaing ng mga drayber at mga operator na itaas muli ang pamasahe dulot nang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Ayon sa LTFRB, kinokonsidera din nila ang panawagan ng mga komyuter na muling pagtaas ng pamasahe ay lalong magpapahirap sa pang-araw-araw na gastusin.

Bagama’t magkakaroon ito ng inflationary effect sa ekonomiya ng bansa, isinasantabi muna ito ng ahensiya upang mahimay ang mga puntong inilatag ng transport groups sa naturang petisyon.

Patuloy ang LTFRB sa pag-aaral ng mga petisyong inihahain sa ahensiya at iba pang mga polisiya para sa kapakanan ng mga tsuper, operator, at mga pasahero.

AUTHOR PROFILE