Sanya

Puspusang training para sa ‘Voltes V…’

August 9, 2021 People's Tonight 615 views

Puspusan ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa nalalapit na lock-in taping ng much-awaited GMA series na Voltes V: Legacy.

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert. Kumuha naman ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

Ayon kay Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunt ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte.”

Kuwento naman ni Radson, “Kailangan, kumbaga, parang sumasayaw kayo nu’ng kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum at ‘yung balance.”

Makakasama rin nila sa inaabangang Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson at Raphael Landicho bilang John “Little Jon” Armstrong.

Sanya, milyonarya na sa YouTube

Nakakuha na rin ang Kapuso star na si Sanya Lopez ng Gold Play Button mula sa YouTube matapos niyang malagpasan ang one million mark sa bilang ng kanyang subscribers.

Sa Instagram ay pinasalamatan niya ang fans sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa kanyang videos.

“Gintong pasasalamat sa lahat ng aking mga subscribers!!!” ani Sanya.

Sunud-sunod ang buhos ng blessings sa career ni Sanya.

Kamakailan lang ay muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Successful din ang huli niyang mga programa kabilang na ang mahusay niyang pagganap sa role ni Yaya Melody sa primetime series na First Yaya at bilang si Maya sa Agimat ng Agila.

AUTHOR PROFILE