Pusher ng shabu sa Tondo arestado dala pa nitong baril kumpiskado..
TINATAYANG aabot sa halagang P204, 000 ang nasamsam sa isang 46 anyos na helper na hinihinalang tulak ng droga bukod pa sa dala dala nitong kalibre 38 pistola na nakumpiska sa kanya sa Purok 3,Isla Puting Bato sa Tondo,Manila..
Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article ll ng Republic Act 9165 at Republic Act 10591 o illegal possession of foresrms and ammunition ang suspek na nakilalang si Gener Oblanca, helper, binata at residente ng Purok 3, Isla Puting Bato.
Batay sa ulat na isinumite ni P/ Lt. Col. Deonelle Brannon, Station Commander ng Manila Police District – Delpan Police Station 12 kay MPD – District Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco , bandang 7:15 p.m. nang ilatag ang buy-bust operation sa lugar ni Oblanca sa Purok 3 Isla Puting Bato sakop ng Barangay 20 sa Tondo.
Nabatid kina P/ PSSg. Morris Harris Marcelo; P/ Cpl. Joseph Villanueva at Patrolman Earle Lawrence Martinez, pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawa nilang buy-bust operation, nakakumpiska ng walong piraso ng iba’t ibanglaki ng sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000.
Narekober ng mga kapulisan ang isang kalibre 38 baril at anim na bala mula kay Oblanca.