Camille Larawan mula sa IG/Camille Trinidad

Pumuputok sa tambok

November 15, 2024 People's Tonight 83 views

PETMALU kung ihambalang sa social media ng famous vlogger na si Camille Trinidad ang kanyang hanep na kaseksihan.

Sa isang Instagram post kasi ng vlogger-businesswoman, ibinandera niya ang kanyang kaseksihan sa mga pasabog na mirror selfies.

Seksing-seksi naman kasi ang social media star sa suot niyang cropped top at panty, talagang handang-handa nang maghain ng linamnam niya.

Mukhang bet na bet ngang nakikita ng netizens ang ganitong version niya, ang hirit nila kay Camille, “blooming” ang alindog ng bebot.

Masisipat nga sa larawan ang magandang hubog ni Camille. Kering-keri ngang makipagsabayan ng kanyang kakinisan sa mga celebrity.

Hulog na hulog din ang kanyang mga tagahanga sa tambok na kanyang ipinakita. Malaman sa kasarapan ang kanyang bum. Pati nga ang legs, legs niyang nakakasilaw malinaw na malinaw niyang inihain sa nasabing post.

Hinangaan nga sa comment section ang kaseksihan ni Camille. Ayaw nilang awatin sa paghahain ng patakam ang internet personality dahil bet na bet nila ang ganitong uri niya ng post.

Hirit pa nga ng isang IG user, “inay ko po huhu ang sexyyyyyy.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar