Default Thumbnail

Pulis pinatay ng RIT sa Zamboanga Sibugay

July 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 467 views

PATAY ang isang pulis matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa Barangay Poblacion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Police Chief Master Sgt. Ronald Sumamban.

Dead on the spot ang biktima matapos na barilin ng malapitan ng suspect.

Batay sa ulat ng PNP, nakatayo sa lugar ang biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspect na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Agad namang naglatag ng checkpoint ang Zamboanga Sibugay Provincial Police Office sa lugar upang maaresto ang suspect.