Default Thumbnail

Pulis natakasaan ng preso sa Rizal

December 7, 2023 Jojo C. Magsombol 246 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Nakapuga ang isang preso habang binabantayan ng mga pulis sa Teresa, Rizal noong Miyerkules.

Ayon sa report ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director P/Col Felipe Maraggun kay Calabarzon Police Provincial Office Director Police Brigadier Paul Kenneth T. Lucas, nakakulong sa Teresa municipal jail ang nakatakas.

Nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga kapulisan ng Teresa mula kay PCMS Rene P. Flohimon na inereport na isang PUPC ay nakatakas.

Nakatakas ang bilanggo nang magsabing masakit angdibdib at nahihirapang huminga kaya isinugod sa Rizal Provincial Hospital sa Morong, Rizal, ayon sa report ng pulis.

Hindi binanggit sa report kung paano nakatakas ang bilanggo.

AUTHOR PROFILE