Default Thumbnail

Pulis na nakapatay sa sundalong nagwala, sumuko

March 26, 2023 Zaida I. Delos Reyes 217 views

SUMUKO sa Kalawit Municipal Police Station si PCpl Dexter Piala, nakatalaga sa Provincial Drug Enforcement Unit ng Zamboanga del Norte Police Provincial Office, nasa hustong gulang, at residente ng Purok 3, San Jose, Kalawit, Zamboanga del Norte, dahil sa pagkapatay kay Corporal Raymart Tabat, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa 64th IB sa Basilan, kapitbahay ng suspect.

Naganap ang insidente March 21, 2023 sa tapat mismo ng tindahan ng suspect.nNagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng suspect at biktima makaraang magbasag ng bote ng beer ang grupo ng biktima sa tapat ng tindahan ng suspect. Tinangka umano ng suspect na arestuhin ang biktima subalit pinigilan ito ng mga kasama.

Kinabukasan, nagtungo ang biktima sa tindahan ng suspect kasama ang asawa upang humingi ng paumanhin subalit pinagbabaril nito ang sundalo.