Pulis na naka-civilian, checkpoint ipoposte sa People Power 38th anniv
SINABI ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. Gen. Redrico Maranan na magdedeploy ang QCPD ng mga naka-sibilyan na police at maglalagay ng mga checkpoint kaugnay ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Peb. 25, 2024.
Aabot sa 1,400 pulis ang ipapakalat para matiyak ang safety sa People Power Monument, EDSA Shrine at iba pang convergence area sa lungsod.
“Ang ating mga pulis na nakasuot ng simpleng damit at titingnan ang ating mga kababayan upang matiyak na ang mga naghahasik ng kaguluhan ay hindi makakasama sa mga tao.
Magsasagawa din tayo ng mga checkpoint at mga hakbang para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang mga aktibidad,” sinabi ni Maranan sa mga mamamahayag sa inspeksyon sa People Power Monument.
Ipapakalat ang mga pulis sa People Power Monument simula alas-6:00 ng umaga para tiyakin ang programa at wreath-laying rites na nakatakda sa alas-8:00 ng umaga.