Patrol PATROL–Pinangunahan ni PSsg Froilan Montero kasama si Jon-Jon Reyes at mga tanod ang pag iikot sa paligid ng Barangay 735 para masiguro ang kaligtasan, katahimikan at kaayusan ng mga residente. Kuha ni Jon Jon Reyes

Pulis bumisita sa Brgy. 735 para sa dialogue

December 2, 2023 Jonjon Reyes 159 views

BINISITA ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) Ermita Police Station 5 ang Brgy. 735 at Brgy. Texas Zone 80 sa Malate, Maynila para sa isang diyalogo noong Biyernes.

Sa pamumuno ni Police PMaj. Roderick Dismaya, nagtungo ang mga pulis sa opisina ni Punong Barangay Alfredo ‘Baby” Tan matapos na atasan ni PLt. Col. Gilbert C. Cruz, station commander.

Tungkol ang diyalogo sa laban sa kriminalidad at maiwasan ang mga krimen sa daan partikular sa South Super Highway patungong Pres. Quirino sa Malate Manila.

Sumama sa pag-iikot si Jon Jon Reyes, kagawad, na siyang itinalaga sa peace and order kasama ang mga tanod

Sinimulang ikutin ng mga pulis ang paligid ng barangay mula sa Apitong St., Tabing Ilog, Nazareth at Munoz St.

Layunin ng mga pulis at barangay na maging mapayapa at maayos ang kanilang mga nasasakupang lugar para sa seguridad ng bawat isa at maiwasan din ang kriminalidad tulad ng snatching, pagnanakaw at riot.

Ayon kina Police Lt. Col. Cruz at PMaj. Dismaya, patuloy na palalakasin ang pagtutulungan sa barangay lalo na ngayong nalalapit ang Pasko.

AUTHOR PROFILE