Pulis ‘binaril’ di nagbaril ng tinalo sa bunong braso

June 1, 2021 Melnie Ragasa-limena 173 views

NAKATAKDANG sampahan ng kasong murder ang dalawang pulis na kainuman ng isang pulis na sinasabing nabaril ang sarili matapos umamin ang kainuman nilang sibilyan na nag-ugat ang pamamaril sa bunong braso.

Ayon sa salaysay ni Lorenzo Lapay ang sibilyan na kainuman nila PCpl Harold Mendoza, PCpl Sherwin Rebot at ang nasawi na si PCpl Higinio Wayan napikon umano si Rebot matapos matalo ng biktima sa bunong braso.

Binunot ni Rebot ang kaniyang service firearm at agad na ipinutok sa dibdib ng biktima.

Sasampahan ng kasong murder and violation of R.A.10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) si Rebot habang murder by conspiracy and obstruction of justice naman ang kakaharapin ni Mendoza at Lapay.