Pulis arestado sa panunutok ng nakaalitan ng gf sa bar
INARESTO ng mga pulis ang kapwa nila pulis at girlfriend nito nang tutukan ng baril ang dalawang negosyante na nakaalitan ng girlfriend niya sa bar sa Quezon City noong Sabado.
Nasa kustodiya na ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit ang 26 anyos na pulis at kasintahan nito.
Nangyari ang insidente dakong alas-4:50 ng umaga sa harap ng Adrenaline Bar and Club 33 sa Scout Borromeo St., Diliman, Brgy South Triangle, Quezon City.
Palabas na ng bar ang mga biktimang sina Miguel, 23, at Mike, 38, nang binangga umano ng girlfriend ng pulis ang dalawang biktima at pinagtutulak hanggang sa makalabas ng bar na humantong sa pagtatalo.
Nakita naman ng nasabing pulis ang komosyon at bumaba ng kotse at lumapit sa mga biktima.
Dito na tinutukan ng baril ng suspek ang mga biktima na agad namang naawat ng bouncer na si Gino Santos.
Rumesponde ang mga pulis na sina Pat. Marvin Prado at Pat. Melvijohn Julong at binitbit ang kanilang kabaro at kasintahan nito.
Sasampahan ng kasong physical injury ang suspek na pulis at kinumpiska ang baril nito.