Pulis, 1 pa, sugatan sa banggaan ng MCs sa Zambo Sibugay

December 17, 2022 Zaida I. Delos Reyes 128 views

DALAWA katao kabilang ang isang pulis ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Zamboanga Sibhgay Police Director Col. Eduard Mallo ang mga biktima na sina Police Patrolman Ariel Lumahog, 40 at Jericho Sampotan, 21, estudyante.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong 8:15 ng umaga nitong Huwebes sa Purok Kinner, La Paz Village, Naga, Zamboanga Sinugay.

Kapwa umano minamaneho ng dalawang biktima ang kani-kanilang motorsiklo patungo sa iisang direksyon nang bigla na lamang mag-overtake ang estudyante dahilan upang kainin nito ang linyang binabagtas ng pulis na nagresulta sa aksidente.

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan ng mga nakakitang residente habang dinala naman sa Naga Municipal Police Station (MPS) ang mga motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.