Martin Sinasaksihan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ilang miyembro ng Kamara at mga senador ang paglagda bilang ganap na batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Republic Act No. 11982 (Expanded Centenarians Act) at Republic Act No. 11981 or (Tatak Pinoy Act) sa Malacanang nitong Lunes. Kuha ni VER S. NOVENO

PUGAY NI PBBM

February 26, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 81 views

Marcos nilagdaan 2 batas na magtataguyod karapatan ng nakakatanda, PH manlilikha

NILAGDAAN ngayong Lunes ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ganap na batas ang dalawang panukala na layong protektahan ang karapatan at paglinang sa mga Pilipinong manlilikha, gayundin ang mga Octogenarians at Nonagenarians.

“Today, it’s my honor to sign into law two bills, which do not only honor two key sectors of society, but mandate measures that protect their rights and promote their development,” sabi ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati sa paglaga ng dalawang panukala sa Ceremonial Hall, Malacañan Palace.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos bilang ganap na batas ang Republic Act 11981, o Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act, and RA 11982, granting benefits to Octogenarians and Nonagenarians.

Itinataguyod ng Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act ang inklusibong paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng paghikayat, pagsuporta at pagsusulong sa produksyon ng mga magkakaiba, sophisticated at kalidad na mga lokal na produkto at serbisyo na gawa ng lokal na negosyo na kayang makipag kumpitensya sa ibang bansa.

“Each of these laws encapsulates the merits that the Bagong Pilipinas upholds toward building a strong nation. For example, the Tatak Pinoy Act is about investing in Filipino competence and talent. That genius and gift must be supported, not by exhortation alone but by true, tangible support,” sabi ni Pangulong Marcos.

Sabi pa ng Pangulo na ang “Tatak Pinoy” higit pa sa branding o pagpapangalan, dahil layon din ito ang pagbibigay insentibo sa mga lokal na produkto na magdadala ng “Made in the Philippines” trademark, na nagpapakita ng pagiging lakighain at kasanayan ng mga manggagawang Pilipino.

“It is about creating products and services of the highest quality, because Tatak Pinoy is also about excellence, and as a seal of great workmanship, it must only be applied to those that meet this high standard. As such, we shall give preference and priority to our products,” saad ni Marcos.

Kasabay naman nito ang Grant of Benefits to Filipino Octogenarians ay pinapalawig ang sakop ng RA 10868, o Centenarians Act of 2016, upang maisama ang lahat ng Pilipino, nasa Pilipinas man o nasa ibang bans ana makatanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng P10,000 pagtuntong ng edad walompu at kada limang taon o hanggang edad siyamnapu’t lima.

Paliwanag ng Presidente na ang pagpapalawig sa sakop ng Centenarians Act ay pagbibigay pugay sa kaugaliang Pilipino na pagkamahabagin at sa kultura ng Pilipinas ay pagpapakita ng kabaitan at pagkahabag sa mga nakatatanda.

“We do, after all, stand on the shoulders of these giants,” tinuran ni Pangulong Marcos

“But they deserve more than cash in an envelope. What they should get is a support infrastructure that every society owes to its greying population. There were already close to 10 million seniors two years ago … But as this demographic enlarges, the societal facilities that attend to them should be expanded as well,” dagdag niya.

Kapwa naman binati ni Pangulong Maros ang Senado at Kamara de Representantes sa pagiging ganap na batas ng naturang mga panukala sabay sabi na sa kanilang pagtutulungan ay muling napatunayan na “the tenet that bicameralism was designed to bring together the brilliance of two bodies through compromise.

AUTHOR PROFILE