Blood

Publiko hinimok na mag-donate ng dugo

June 14, 2024 Chona Yu 127 views

NAKIISA ang Palasyo ng Malakanyang sa paggunita sa World Blood Donor Day.

Kasabay nito, hinikayat ng Palasyo ang publiko na regular na mag-donate ng dugo.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), mahalaga ang pag-donate ng dugo para matiyak na sapat ang suplay nito sa bansa.

Umaasa ang Palasyo na maraming pasyente ang matutulungan sa pagdo-donate ng dugo.

Ang World Blood Donor Day ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Hunyo 14 upang kilalanin at pasalamatan ang mga boluntaryong nagdo-donate ng dugo

Layunin din nito na hikayatin ang mas marami pang tao na maging regular na donor ng dugo upang matiyak na laging may sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.

AUTHOR PROFILE