Public buses during rush hours sa Commonwealth hiniling

January 6, 2022 Jun I. Legaspi 175 views

MULING hinikayat ng commuter at transport group ang mga otoridad na maglagay ng mga bus na masasakyan sa stretch ng Commonwealth Avenue sa mga rush hours lalo na sa umaga.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ginawa na ito dati at napatunayang epektibo at naiwasan ang pagsisiksikan at agawan sa pagsakay.

Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila. Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway.

Sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, Batasan, Holy Spirit, Fairview, Lagro, at iba pa.

Ito rin ang gateway ng mga pasahero na nanggagaling sa mga karating bayan ng Caloocan, San Jose del Monte, Rodriguez, San mateo.

‘Kaya naman tuwing rush hour ay kalbaryo sa mga pasahero ang makasakay,” ani Inton.

Ayon kay Inton kitang kita naman na kulang na kulang ang public transport at malimit ay mga colorum na lang ang sinasakyan ng karamihan. Sa pagdinig sa Senado bilang QC Action Officer ng Transport at Traffic noon, sinabi ko na ang Commonwealth ay isang “emergency situation”, araw-araw.

Paliwanag ni Inton sa pagaaral nito, lumabas sa mga datos na punuan na ang mga bus na nanggagaling sa may Robinson SM Fairview dahil ang mga pasahero na galing sa Caloocan at Novaliches ay sumasakay na doon alas kuatro pa lang ng madaling araw. Ang galing naman San Jose del Monte ay puno na rin ng pasahero galing Bulacan, kaya pagdating nito sa Doña Carmen, Batasan, at iba pang lugar na pinanggagalingan ng pasahero, ay punuan na talaga.

Kinausap ko ang MMDA noon at ipinaliwanag ang ganitong sitwasyon. Ang aking solusyon noon ay maglagay kaagad ng mga bus na ide-dispatch sa ilang lugar sa Commonwealth para makasakay ng maalwan ang mga pasahero sa ibat-ibang bahagi ng Commonwealth. Guminhawa man lang ng bahagya ang sitwasyon ngunit hindi ko na naituloy ang official na koordinasyon sa MMDA nang bumalik na ulit ako sa pribadong buhay. Ngayon ay problema pa rin ang pagsakay sa Commonwealth Avenue,”aniya.

AUTHOR PROFILE