Duterte Sorpresang dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 1 4 Alan Konsyerto ng Pasasalamat noong Linggo ng gabi ( May 1) upang pasalamatan sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig 2nd District Representative Lani Cayetano at mga Taguigenos sa kanilang pagsisikap na tulungan syang manalo bilang pangulo ng Pilipinas noong 2016.

PRRD sa Cayetanos: Salamat

May 2, 2022 People's Tonight 149 views

Sa panalo noong 2016

PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig 2nd District Representative Lani Cayetano at mga Taguigenos sa kanilang pagsisikap na tulungan syang manalo bilang pangulo ng Pilipinas noong 2016 elections.

Ang hakbang ay ginawa ni PRRD sa kanyang sorpresang pagdalo sa 1 4 Alan Konsyerto ng Pasasalamat noong Linggo ng gabi ( May 1) na ginanap sa Arca South sa syudad ng Taguig.

“Una sa lahat magpasalamat ako sa inyo mga taga-Taguig, and of course sina Lani pati si Alan Peter, kasi kayo ang gumawa para maging Presidente ako,” ayon kay Duterte sa harap ng maraming taong dumalo sa naturang pagtitipon bilang suporta sa pagbabalik sa senado ni Cayetano.

“Ngayon matatapos na ang termino ko at nandito ako ulit. Talagang alam ko na tinulungan ninyo ako,” dagdag pa ni Duterte.

Kasamang dumalo ni Duterte sa naturang concert rally si Senator Bong Go mula sa isang event sa lalawigan ng Pampanga. Ito ang kauna-unahang pagkakaton na dumalo si Duterte sa isang concert rally para sa isang national candidate kahit walang sinusuporthang presidential at vice-presidential candidate. Si Cayetano ang running mate ni Duterte sa ducay presidential at vice presidential campaign noong 2016.

Sa kanyang introduction speech inihayag ni Cayetano ang paboritong Bible verse ni Duterte mula sa Ecclesiastes 3, na nagsasabing ‘’there is a time for everything, and a season for every activity under heaven.”

Ikinagalak ni Cayetano na ginamit ni PRRD ang linyang ‘’to tear down and build’’ sa naturang bible verse para sa kanyang build, build, build program hindi lamang para sa imprastraktura kundi pati na rin sa buhay ng sambayanang Pilipino.

Kaugnay nito sinabi ni Duterte na marami syang campaign promises na natupad gaya na lamang ng para sa edukasyon at kalusugan. “Wala akong masyadong ipinangako. Sabi ko, edukasyon. Ngayon nandyan na ang batas para sa pag-aaral sa tertiary (level). Tapos na,” dagdag niya bilang pagtukoy sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act or Republic Act 10931.

Dahil sa naturang batas libre ng makakapag-aral ang mga kwalipikadong estudyante sa mga state universities and colleges pati na rin sa mga local universities sa buong bansa. Sinabi pa ni PRRD na tinupad din nya ang kanyang healthcare campaign promise sa pamamagitan ng Universal Health Care Act 11223. PInagmalaki din ni Duterte ang pagkakaroon ng mga Malasakit centers sa mga ospital na pinasimulan ni Senator Bong Go noong sya ay special assistant to the president pa lamang hanggang ito ay ganap ng maging batas noong msanalo syang senador.

“Sabi ko sa inyo, ospital. Nandyan na ang mga Malasakit Center. Kay Bong Go y’on. Noon kasi, pag may reseta ka sa doktor, pupunta ka pa kung saan saan. Kung wala kang pera, uutang ka. Ngayon nandyan sa ospital na mismo, maraming tables diyan (na tutulong sa iyo),” giit ni Duterte.

Kabilang din sa natupad na campaign promise ng pangulo ang pagtatag ng Dept. Of Migrant Workers na tututok sa problema at pangangailangan ng mga OFW’s. Ang panukalang batas ay inakda ni Cayetano sa senado at kanya rin itong inihain sa kamara noong sya ay Speaker of the House hanggang ito ay ganap ng maging isang batas. Pinasalamatan ni Cayetno si Duterte sa paglagda nito bilang isang batas noong December 2021.

Sa pagtatapos ng kanyang speech muling pinasalamatan ni PRRD ang mga taga Taguig, “Ako naniniwala talaga ako sa destiny. Noong nanalo ako hindi ko talaga alam kung bakit ako naging presidente,” ani Duterte. Dinagdag pa ni Duterte na kahit naabot nya ang tagumpay sa kanyang pagiging public servant, alam nyang darating ang araw na mawawala sya sa mata ng publiko. “Kayong mga taga-Taguig lahat, maraming maraming salamat po’’.

AUTHOR PROFILE