Prov’l buses puwede na sa MM gamit sariling terminal

May 3, 2022 Jun I. Legaspi 207 views

LIBRE nang makakabiyahe at makakapasok sa kanilang mga terminals sa Metro Manila ang mga provincial buses, ayon sa Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP).

Ito ang kinumpirma ni Engineer Alex Yague, Executive Director ng (PBOAP), base na rin sa iniilabas na utos ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) noong Abril 27, 2022, pinapayagan ng dumiretso sa kanilang mga bus terminals, ayon na rin sa rekomendasyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa interview kinumpirma rin ni Yague na hindi na rin huhulihin ng mga traffic enforcers ang kanilang mga driver kahit walang mga special permits o QR codes ang kanilang mga bus.

Ayon kay Yague, maganda ang feedback sa lahat lalo na sa mga pasahero dahil bukod sa walang nasasayang na panahon, malaki ang matitipid sa pamasahe ng mga pasahero dahil hindi na kailangan lumipat pa ng biyahe dahil diretso na sa terminal sa Metro Manila ang mga bus.

Kinumpirma rin ni Yague na sa kabila ng pagtaas ng halos P31 per liter ang diesel ay hindi magbabago ang kanilang pamasahe.

Anya sa report ng kanilang mga members sa ground, dagsa ang pasahero pauwi ng kanilang mga probinsiya.

“Katwiran daw ng mga pasahero nang tanungin ng mga conductors at drivers ay kailangan daw makauwi agad bago ang eleksyon sa Mayo 9, para makaboto,” saad daw mga pasahero.

Sinabi rin ni Yague na magandang senyales ito para makabawi ang mga PBOAP members dahil halos dalawang taon silang hindi nakabiyahe at walang kita.

Mariing nanawagan si Yaque sa mga pasahero na mag-advance booking para sigurado ang bawat biyahe ng bus o nasa 90% hanggang 95% ang pasahero upang makabawi sa mataas na presyo ng diesel.

Dagdga ni Yague, mariing din nanawagan ang PBOAP sa gobyerno na “once and for all” na magsagawa ng consultation at isama ang lahat ng kaugnayan sa public transportation kabilang dito ang mga pasahero, operators, drivers, conductors, manggagawa, estudyante, persons with disabilities (PWDs), senior citizens at ang mga ahensiya ng gobyerno na namamahala ng public transportation.

Naniniwala ang grupo sa maayos na public consultation para maayos ang gusot kung meron man dahil kapwa hangad ng lahat ang kapakanan ng publiko na dapat manaig para sa “win-win” solution ng pampublikong transportasyon.

AUTHOR PROFILE