Winnie Castelo

Productivity incentive ipinanukala sa mga kawani ng Quezon City

September 3, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 263 views

ISINULONG ng tatlong konsehal ng Quezon City sa pangunguna ni Winnie Castelo ng 2nd District ang isang ordinansa na naglalayong magkaloob ng productivity incentive na katumbas ng isang buwang suweldo para sa mga kawani ng Quezon City bilang ayuda sa coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic.

Sa ilalim ng panukalang Ordinance No. 466, sinabi ni Castelo na bibigyan ang lahat ng mga kawani ng lungsod kabilang ang plantilla, permanente, job order at contract of service arrangement.

“It would be additional financial assistance to our employees, who have been suffering from economic hardship caused by the almost two-year coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic,” ani Castelo.

Sinabi ni Castelo na hiwalay ito sa anonang pinansiyal na tulong na nakukuha ng mga kawani sa mga lokal at pambansang pamahalaan.

“Quezon City employees have shown their dedication and commitment to public service from the start of the COVID-19 pandemic,” ani Castelo.

“The continuous delivery of quality and world-class services to Quezon City residents during these trying times and the accomplishment of the city’s objectives would not be possible without the collaborative efforts of its employees,” giit ni Castelo.

Naniniwala si Castelo na mayroong sapat na pondo ang lokal na pamahalaan ng Q.C. upang pagkalooban ang libu-libong mga kawani nito ng isang buwang suweldo.

Sa ulat ng City Treasurer’s office ng Q.C. noong Agosto 18, 2021, lumabas na umabot sa P3.8 bilyon ang real estate tax collections at P9.1 bilyon naman sa business tax revenues.

“The city has a stable financial position despite the economic downturns experienced by different sectors around the country caused by the pandemic. The city owes this success to its employees who work unselfishly, unmindful of the dangers posed by the virus to their health and well-being,” ani Castelo.

“It is high time we show our appreciation to our city personnel through the grant of a productivity incentive,” dagdag ni Castelo.

Noong 2019, sinabi ni Castelo na nagkaloob ang lungsod ng isang buwang suweldo sa mga regular na kawani at P3,000 sa contractual (job order at contract of service) workers.

Kasama ni Castelo bilang co-authors ng Ordinance No. 466 sina Councilors Karl Edgar Castelo ng District 5 at Melencio Castelo Jr. ng District 6.

Ipinanukala ng mga ito na kunin na lamang ang halagang magagamit para sa productivity incentive sa “any available funds of the city.”

AUTHOR PROFILE