Rein

Producers, sama-sama sa pagbuhay saindustriya sa MMFF–Direk Lino

December 19, 2022 Ian F. Fariñas 383 views

POSIBLENG i-push ng Rein Entertainment producer na si Direk Lino Cayetano at ni Direk Shugo Praico ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Nanahimik ang Gabi ang isang covenant para himukin ang publiko na muling bumalik sa panonood sa mga sinehan.

Isa ito sa mga nabanggit ni Direk Lino sa intimate pre-Christmas lunch kasama ang ilang entertainment press nitong nagdaang linggo.

Aniya, ikinatutuwa nila ang pagiging active at involved ng MMDA at MMFF execom pati na ang mga producer na kalahok ngayong taon para tulung-tulong na ibangon ang industriya at isantabi muna ang kompetisyon.

“Parang wala masyado ‘yung competition. Ah, I think because galing tayo sa pandemya, alam natin ‘yung last two years mahina ang MMFF. So, this year, parang sama-sama ‘yung thrust ng lahat ng producers na let’s try to get people back in the moviehouses. I think ‘yun ‘yung iba rito. Medyo hindi siya ‘yung sinong number 1, sinong number 2? Parang ang lahat, ang tingin, long term.

Pabalikin natin ‘yung mga tao sa pelikula, sa sinehan. Para next year, maraming pelikula. Ayoko naman ‘yung next year ang tinitingnan pa rin namin, MMFF. Siyempre, gusto namin may pelikula kami sa April, may pelikula kami sa October. So I think ‘yun ‘yung thrust ng producers ngayon and ‘yun ‘yung long-term plan na gustong gawin ng MMDA para makatulong sa adbokasiya natin sa pelikula.

“I think wala lang formal announcement but we’ve all talked to each other. We talked to Direk Paul, we talked to Star, we’re here really to help each other,” paniniguro pa ni Direk Lino.

AUTHOR PROFILE