Ilocos Iprinisinta ni PCol. Wilson Doromal, provincial director ng Ilocos Sur Region 1 ang mga loose firearms na nakumpiska mula sa “Oplan Katok” kay PBGen. Westrimundo Obinque, bagong talagang Regional Director ng PRO1. Kuha ni Jon-jon Reyes

PRO1 director Obinque bumisita, sinuri ang mga nasabat na armas sa Ilocos Sur

March 12, 2022 Jonjon Reyes 616 views

NAGSAGAWA ng command visit ang bagong talagang Regional Director ng Police Regional Office (PRO1) na si Police Brigadier General Westrimundo D. Obinque sa Ilocos Sur Police Provincial Office (PPO) araw ng Biyernes.

Kabilang pagpresenta ng mga nakumpiskang baril/armas sa isinagawang opisyal na pagbisita ni PBGen. Obinque sa rehiyon ng Ilocos Sur.

Unang binisita ni PBGen. Obinque ang lugar ng Ilocos Sur sa ilalaim ni Provincial Director PCol. Wilson Doromal upang pangunahan nito ang turnover ng bagong water facility na “Patubig ng Pulis” project kasama ang kanyang may bahay na si Atty. Shalimar L. Obinque, OLC Adviser, PRO1 Officers Ladies Club, at Mayor Joey Warren A. Bragado na ginanap sa Bgy. Masibsibbu, San Emilio, Ilocos Sur.

Pinangunahan din ni PBGen. Obinque ang pagtatanim ng puno bilang isang tapat na makakalikasan na ginanap sa Ilocos Sur PPO. Layunin din ng aktibidad na hikayatin ang mga “kakailyan” (kababayan sa Ilokano) o maging mamamayan ng Ilocos sa Region 1 na magtanim ng mga puno para sa pakinabang ng kapaligiran.

Pinangunahan naman ni PCol. Wilson L. Doromal, provincial director ng Ilocos Sur ang pagpresenta ng mga loose firearms mula sa mga pulitiko at kanilang mga tagasuporta at iba pang may-ari ng baril bilang bahagi ng kampanya laban sa loose firearms at “Oplan Katok”.

Dahil sa pinaigting na kampanya ng PNP (Philippine National Police) simula noong Enero 9 bago pa man nagsimula ang panahon ng kampanya para sa halalan, mananatili ito hanggang sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9, 2022. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE