Leni

Pro-Leni oligarchs delikado

March 19, 2022 Lee Ann P. Ducusin 1602 views

Wawalisin ng NPA

BUKOD sa taumbayan, walang ibang lugi sa alyansang Leni Robredo at teroristang New People’s Army (NPA) na kilala rin sa tawag na LeniNPA kundi ang mga bilyonaryong financiers ng pinklawan.

Ayon sa intelligence report, hindi malayong magkaroon ng “double cross” sa pagitan ng mga oligarch at teroristang NPA dahil ang tunay na layunin ng grupo ni Community Party of the Philippines-NPA founder Joma Sison ay maghasik ng lagim at pabagsakin ang mga “panginoong maylupa” sa bansa.

Kung mapapansin, “well funded” ngayon ang campaign rally ni Leni bunsod ng todo-buhos na “financial support” na nagmumula mismo sa mga oligarch na ayaw makabalik sa puwesto ang pamilya ni presidential front-runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Over the past week the pinks had an impressive show of funding. So many pink t-shirts and stuff, hakot funds, assorted giveaways, large stages and sound system, streamers, bus and car stickers plus pink lanterns. All these plus stars from defunct ABS-CBN,” nakasaad sa isang pocket intel report.

“Many oligarchs are financing Leni’s campaign, being hurt by the Duterte administration and Marcos administration before,” sabi pa.

Ang masaklap, habang solid ang ibinibigay na suporta ng mga oligarch, sagrado rin ang alyansa ni Robredo sa mga teroristang NPA.

Katunayan, anim na cabinet positions agad ang ipinangako ni Robredo sa mga teroristang komunista.

Ang mga ito ay Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government at Department of Agriculture.

Pilit pang hinihirit ng mga ito ang Department of Agrarian Reform na lalong magpapabagsak sa mga panginoong maylupa.

Sakaling makuha ang DOLE, tuluyang pipilayin ng makakaliwang grupo ang mga kapitalista dahil hindi lamang kontraktwalisasyon ang pipilitin nilang ipatupad ng Robredo administrasyon kundi paduduguin nila ang mga pabrika at industriya na kapag hindi nakuha ang hinihingi nilang benepisyo ay pupulbusin nila ito ng welga.

“Hindi lang taumbayan ang lugi rito kundi pati mga oligarch mismo kasi ginigisa sila sa sarili nilang mantika,” sabi pa ng opisyal.

Aniya, masyadong mapanganib ang pakikipag-alyansa ni Leni sa mga teroristang kaliwa dahil lalo lamang nitong mapapabagsak ang ekonomya ng estado, habang unti-unti ay pinapabagsak na rin nila ang mga panginoong maylupa.

Kung matatandaan, nang maupo sa Malacañang noong 1986 si Cory Aquino ay pinakawalan nito ang lahat ng political detainees, hindi kinasuhan ang mga teroristang NPA at binigyan pa sila ng kalayaan para mapalakas ang kanilang pulahang idelohiya.

Mismong si Pangulong Duterte at si Reporma presidential candidate Senator Ping Lacson ang nagkumpira sa alyansa nina Robredo at mga teroristang NPA.

Sinabi ni Duterte na may plano ring guluhin ng LeniNPA coalition ang inaabangang May 9 national and local elections.

Nang isinusulat ito’y walang malinaw na “denial” o pahayag si Robredo tungkol sa pakikipag-alyansa nito sa rebeldeng komunista.

AUTHOR PROFILE