Pro-BBM manggagawa at isang negosyante apektado ang hanapbuhay

February 20, 2022 People's Tonight 728 views

TulfoAPEKTADO raw ang trabaho at munting negosyo ng ilang kababayan natin ngayon dahil sa pinili nilang bobotohing pangulo sa 2022 election.

Isang manggagawa mula Maynila ang nagsumbong sa akin kamakailan dahil hinold na raw ang kanyang promosyon sa pagka-bisor sa kumpanya matapos malaman na si presidential aspirant Bongbong Marcos ang susuportahan niya sa Halalan 2022.

Kwento ni “Nato”, na ayaw ipabanggit ang tunay niyang pangalan, iniinterbyu na raw siya ng anak ng may-ari ng kumpanya para sa posisyong supervisor nang tanungin siya kung sino ang iboboto nyang pangulo sa halalan.

Sinabi nya na BBM daw silang buong pamilya. Kaagad naman siyang tinanong ng boss niya kung bakit si BBM ang iboboto gayon magnanakaw at maraming namatay sa panahon daw ng kanyang ama.

Hindi nakuha ni “Nato” ang posisyon dahil ayon daw sa kanilang HR (human resources) hindi siya pumasa sa oral interview.

Pag-amin ni “Nato” sa akin, “Hindi nila alam Boss Erwin na lahat kami sa production department ay maka- BBM. Si Leni kasi ang manok ng mga may-ari at mga bosing namin doon”.

Ang negosyanteng mag-asawa na Mike at Lyra ay may kahalintulad din na karanasan.

Ang mag-asawa ay nagsusupply ng mga stainless na mga gamit pang-kusina sa mga resotran at hotel.

“May ongoing project kami pare sa BGC sa Taguig para sa isang restoran”, kwento ni Mike na kumpare ko.

“Hindi ko alam na kulay pink pala sila ngayong eleksyon. Kami kasi ni misis nasa Uniteam ang suporta at ang mga tauhan namin,” dagdag pa ni Mike.

“May nakapagsabi ata sa may-ari na UniTeam kaming mag-asawa, kaya ayun tapos na raw ang pagsupply namin ng gamit sa restoran nila simula last week”, pahabol ni mike.

Si Mang Rudy na isang magtataho ay nabawasan ng isang customer.

Kwento ni Rudy tuwing umaga bumibili ng halos isang pitsel na taho ang kanyang suki na ito sa tondo.

Laking gulat niya ng sabihin sa kanya hindi na muna sila kukuha ng taho sa kanya dahil lahat daw sila ay “diabetic” na pati mga anak daw nito na mga binatilyo at dalagita.

Suot-suot daw kasi niya ang t-shirt na BBM ng araw na sinabihan sya na wag na muna magdeliver ng taho sa bahay na yun.

Ani Mang Rudy, balita nya na galit kay BBM ang suki nya.

Nakakalungkot isipin na may mga kababayan pa rin tayo na hindi pa pala nag-mature pagdating ng halalan.

Bakit parusahan ang isang tao na taliwas sa gusto mong iboto?

Wag nating kalimutan na bawat isa sa atin ay may “freedom of choice” o kalayaang mamili na nakasaad sa ating konstitusyon. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE