BBM2

PRO-4A nakiisa sa 123rd anniv ng PNP

August 9, 2024 Jojo C. Magsombol 286 views

CAMP BGen Vicente P Lim–Nakiisa ang Police Regional Office (PRO) 4A sa pagdiriwang ng 123rd anniversary ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 8, 2024 sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.

Nagkaroon ng mga parangal sa mga karapat-dapat na tauhan ng PNP.

Kabilang sa mga awardees sina PCol. Eleuterio Ricardo Jr., hepe ng Cavite police, PLt. Col Christopher Guste, hepe ng Cavite City police, PLt. Col. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas police, PLt. Col. Jonathan Ilay, OIC ng San Mateo police, at PMaj. Gilbert H. Derla, hepe ng Amadeo police.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng pagtutulungan at patuloy na pagbabantay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“Kinikilala ko ang determinasyon ng ating pulisya na panatilihin ang seguridad at pagkakaisa sa ating minamahal na bansa.

Saludo ako sa lahat ng mga opisyal at tauhan ng PNP sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni PGen. Rommel Francisco Marbil,” sabi ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE