Cayetano Makikita sa larawan si Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda noong Setyembre 25.

Private sector nagbayad ng SEAG cauldron

September 28, 2021 People's Tonight 77 views

Mga kritiko sablay

ANG P50-million cauldron na ginamit sa 2019 Southeast Asian Games (SEA) ay binayaran ng pribadong sektor at hindi ng gobyerno.

Ito ang iginiit ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa isang panayam kay television host Boy Abunda noong Sabado, Setyembre 25.

“People will be surprised because the government didn’t spend a single cent on it. Because the private sector paid for it,” ani Cayetano sa pagsagot sa mga paratang na overpriced at maluho daw ang naturang cauldron.

Sinabi ni Cayetano, tagapangasiwa ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) noong 2019, na mas mura pa nga ang cauldron kaysa sa mga ginamit sa mga naunang SEA Games.

Ang cauldron ay dibuho ng namayapa nang National Artist for Architecture na si Francisco Mañosa, na kinikilala bilang isa sa mga pinakaimpluwensyal na arkitekto ng 20th century.

“I could have come up with a more humble one. Pero debut natin ito sa buong mundo. Pinapakita natin na y’ung facilities natin (ay) world-class,” wika ni Cayetano.

Sinabi rin ng dating Speaker na ang mga akusasyon ng korapsyon na umikot sa cauldron ay nagtulak sa ilang mga kumpanya na umatras sa kanilang pagsponsor ng 2019 SEA Games.

“Much more would have been paid by the private sector kung ‘di nagkaroon ng crab mentality at siniraan. Kasi marami kaming sponsors na umatras,” wika ni Cayetano.

Iginiit din ni Cayetano na hindi siya kumita ng kahit anong halaga sa SEA Games.

“My life in politics has not been perfect but ni singko sa SEA Games, wala akong ginalaw,” aniya.

Higit sa 5,000 atleta galing sa 11 bansa ang lumahok sa 2019 SEA Games, kun saan ang Pilipinas ang naging overall champion at humakot ng 387 na medalya, kung saan 149 ay ginto.

Pinuri rin ni Olympic Council of Asia Vice President Wei Jizhong ang mga organizer at si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matagumpay na pag-host ng SEA Games, at sinabi nitong kaya na ng Pilipinas na mag-host ng mga mas malalaking palaro.

AUTHOR PROFILE