Default Thumbnail

Principal’s office pinasok P80K laptops natangay

December 6, 2023 Steve A. Gosuico 137 views

TALAVERA, Nueva Ecija–Isang magnanakaw ang pumasok sa isang room ng elementary school sa bayang ito at tinangay ang dalawang laptop na nagkakahalaga ng P80,000.

Naganap ang pagnanakaw sa principal’s office ng Pula Elementary School noong Nob. 10 dakong alas-12:50 ng madaling araw.

Sinira ng suspek ang doorknob ng principal’s office para makapasok sa loob.

Tinatayang nagkakahalaga ng P80,000 ang dalawang unit ng HP at Acer laptops, ayon sa report.

Sinabi ni Major Domingo Resma Jr., hepe ng pulisya, na nalaman ng pulisya ang pagnanakaw kasunod ng reklamo ni Bernabe Eugenio, 59, head teacher II, ng Purok 3, Brgy. Bagong Sikat; at Paulo Parungao, 43, school utility ng Brgy. Minabuyoc.

Matapos magsagawa ng imbestigasyon, natukoy ng pulisya ang umano’y suspek na residente ng Brgy. Bosque, Talavera.

AUTHOR PROFILE