Roque Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque

Presyo ng pang-Noche Buena tumaas dahil mag-papasko

November 28, 2024 Chona Yu 141 views

TUMAAS ang presyo ng may 100 Noche Buena items.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na sa mahigit 200 Noche Buena items, halos kalahati sa mga ito ang tumaas ang presyo ng hindi lalagpas sa limang porsyento.

Paliwanag ni Roque, hindi nagtaas ng presyo ang mga manufacturer noong nakaraang taon.

Hindi naman aniya nagtaas ang presyo ng ham, mayonnaise, noddles, pasta, cheese, all purpose cream at iba pa.

Hindi rin aniya nagtaas ang presyo ng basic commodities.

Mananatili aniya ang presyo hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Roque, nanatili ang purchase demand dahil nalalapit na ang panahon ng Pasko.

AUTHOR PROFILE