Fuel

Presyo ng gas, diesel posibleng bumaba

November 15, 2024 Edd Reyes 121 views

POSIBLENG bumaba ang presyo ng gasolina ng mula 70 sentimos hanggang P1 kada litro, ang diesel mula 65 sentimos hanggang 95 sentimos kada litro at mula 70 sentimos hanggang 80 sentimos kada litro ang kerosene, base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE).

Ibinatay ni DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero ang katiting na bawas sa halaga ng mga produktong petrolyo sa apat na araw na kalakaran ng langis sa pandaigdigang merkado.

Kadalasang ini-aanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang uniformed oil price adjustment tuwing Lunes na ipatutupad naman tuwing Martes.

AUTHOR PROFILE