Posas

Preso tiklo sa ‘homicide’

July 8, 2023 Jojo C. Magsombol 212 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Tiklo ang isang lalaki sa kasong homicide nang arestuhin ng mga awtoridad ng Sto. Tomas City habang nakapiit sa Batangas Provincial Jail sa Bgy. Cuta, Batangas City nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office Calabarzon Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, ang akusado ay nakilalang isang 35-anyos na lalaki na naninirahan sa Bgy. Caloocan, Talisay sa Batangas.

Ang akusado ay tinaguriang most wanted person sa city level na may kasong homicide. Siya’y naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong June 23 ni Presiding Judge Jose Recuerdo P. Flores ng Regional Trial Court Branch 66 ng Tanauan City, Batangas na may kaukulang piyansa.

Ang mga awtoridad ay may gamit na alternative recording device sa naganap na police operation.

AUTHOR PROFILE